News Release

Nagbahagi ang Propeta ng Mensahe tungkol sa Nagpapagaling na Kapangyarihan ng Pasasalamat

Ang pandaigdigang lider ng pananampalataya ay nag-alay ng panalangin ng pasasalamat at nag-anyaya sa mga tao sa lahat ng dako na gawin ang dalawang mahalagang bagay na makatutulong sa paggaling ng ating mga naputol na ugnayan at di-pagkakaisa ng mga komunidad

Si Russell M. Nelson, isang pandaigdigang lider ng pananampalataya at pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay may bagong mensahe ng pag-asa, paggaling, at pagkakaisa na makatutulong na iangat tayo mula sa mga hamon ng COVID-19 at puksain ang iba pang mga salot tulad ng pagkamuhi at kaguluhan sa lipunan.

Ang propeta ay nag-alay ng panalangin ng pasasalamat para sa sanlibutan at para sa bawat taong narito. Inanyayahan din niya ang lahat, sa lahat ng dako, na gawin ang dalawang mahalagang bagay na makatutulong sa paggaling ng ating mga naputol na ugnayan at di-pagkakaisa ng mga komunidad:

1. Gawing sarili mong journal ng pasasalamat ang social media sa loob ng pitong araw

2. Mag-alay ng panalangin ng pasasalamat

        

I-download ang video na ito

Ipinapahayag ang kanyang sariling pasasalamat para sa mga siyentipiko at mananaliksik na gumagawa ng bakuna para sa COVID-19, ang propeta (na isang dating pioneer o nangungunang cardiovascular and thoracic surgeon) ay nagpaalala sa atin na “walang gamot o operasyon na kayang ayusin ang maraming espirituwal na kapighatian at sakit na ating nararanasan” bilang isang pandaigdigang lipunan. Kabilang dito ang bisyo ng poot, kaguluhan, dahas sa ibang lahi, pagsisinungaling, at kaguluhan sa lipunan. “Gayunman, may solusyon—na maaaring nakakagulat—dahil kabaligtaran ito sa natural na reaksyon natin sa mga nangyayari,” sabi ni Pangulong Nelson. “Gayunpaman, ang epekto nito ay napatunayan na ng mga siyentipiko at mga kalalakihan at kababaihan na nananampalataya. Ang tinutukoy ko ay ang nagpapagaling na kapangyarihan ng pasasalamat.”

Bisitahin ang GiveThanks.ChurchofJesusChrist.org para mabasa at mapanood ang video ng propeta sa 31 na wika. Habang naroon, mababasa mo rin ang personal na salaysay ni Pangulong Nelson kung kailan at paano niya natanggap ang inspirasyon na mag-alay ang pandaigdigang panalangin ng pasasalamat.

Style Guide Note:When reporting about The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, please use the complete name of the Church in the first reference. For more information on the use of the name of the Church, go to our online Style Guide.