Get a Reminder on YouTube.
Si Russell M. Nelson, propeta at pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay magbabahagi ng isang espesyal na mensahe sa video sa mundo sa Nobyembre 20, 2020, sa ganap na alas-11 n.u. MST.
Ang 11-minutong video na ito ay magtutuon sa mga paraan kung paano tayo magkakaroon ng pag-asa at paggaling sa pamamagitan ni Jesucristo sa panahong ito ng malaking pandaigdigang problema at kawalan ng katiyakan. Ilalathala ito sa mga social media account ni Pangulong Nelson sa (Facebook, Instagram, Twitter) at sa pangunahing YouTube channel ng Simbahan sa 31 wika.* Ang video ay makukuha kaagad pagkatapos para mapanood on demand [link for details] at para i-download mula sa Newsroom.ChurchofJesusChrist.org at sa Gospel Media ng Simbahan.
Si Pangulong Nelson ay naging Apostol ng Panginoong Jesucristo mula pa noong 1984. Siya ay naging senior leader ng Simbahan noong Enero 2018. Ang kanyang panahon bilang pangulo ay puno ng paglilingkod sa buong mundo (nakabisita na siya sa 32 bansa at teritoryo ng U.S.), pagtatayo ng mas maraming templo (ang ating pinakasagradong mga lugar), at malaking pagbabago sa organisasyon. Simula noong pangkalahatang kumperensya ng Abril 2018 kung saan siya sinang-ayunan bilang pangulo ng Simbahan, sinimulan ni Pangulong Nelson na magpatupad ng madalas na mga pagbabago para tulungan ang mga Banal na mag-minister nang higit na katulad ni Jesucristo at mas bigyang-diin ang pagiging sentro ng Tagapagligtas ng mundo sa lahat ng ginagawa ng Simbahan.
Bago naging pinuno ng isang pandaigdigang relihiyon, si Pangulong Nelson ay isang pioneer na heart surgeon. Bilang isang surgical resident sa Minnesota noong 1951, tumulong siya sa pagsasaliksik at pagbuo ng unang heart-lung machine na ginamit sa isang open-heart operation. Isinagawa niya ang unang open-heart surgery sa Utah noong 1955. Naglingkod siya bilang pangulo ng Society for Vascular Surgery, direktor ng American Board of Thoracic Surgery, chairman ng Council on Cardiovascular Surgery for the American Heart Association at pangulo ng Utah State Medical Association. Siya ang may-akda ng maraming kabanata sa mga medical textbook at iba pang mga lathalain. Naglektyur siya at bumisita bilang isang doktor sa maraming organisasyon sa buong Estados Unidos at sa iba pang mga bansa.
Si Pangulong Nelson ay may 10 anak (siyam na babae at isang lalaki), 57 apo, at 127 apo-sa-tuhod. Ang kanyang unang asawa (at ina ng kanilang 10 anak), si Dantzel, ay pumanaw halos 16 na taon na ang nakararaan. Dalawa sa kanilang mga anak na babae (sina Wendy at Emily) ang namatay sa kanser. Siya at ang kanyang pangalawang asawang si Wendy ay ikinasal noon pang 2006.
*Ang video ay ilalathala sa wikang Albanian, Arabic, Cambodian, Cebuano, Chinese/Cantonese, Chinese/Mandarin, Czech, Danish, Dutch, English (may mga caption), Finnish, French, German, Hungarian, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Mongolian, Norwegian, Portuguese, Romanian, Russian, Samoan, Spanish, Swedish, Tagalog, Tahitian, Thai, Tongan, at Ukrainian.